Monday, 7 September 2015

Deklarasyon: Mindanao Grassroots Human Rights Conference

Mga delegado ng Komperensya. Kuhang larawan ni: Valtimore Fenis
Kami, ang 76 na partisipante na nagmula sa iba’t ibang probinsya ng Mindanao na kumakatawan sa 52 na organisasyon ng mga mamamayang Lumad, Bangsamoro at Migrante na aktibong kumikilos sa pagsulong at pagtatanggol sa karapatang pantao ay nagkaisa sa 3 araw na pagtitipon -Mindanao Grassroots Human Rights Conference- sa Dapit Alim, Simbuco, Kolambugan, Lanao del Norte at nagpapahayag na;

Ang umiiral na pang-ekonomiya at pampolitikang balangkas sa buong mundo ay nakakiling para sa iilan lamang; 

Patuloy na lumalawak at tumitindi ang mukha ng pagyurak at pagkitil sa karapatang pantao na nagsasadlak sa mga karaniwang mamamayan. Ang kawalan ng sustenable at disenteng trabaho; hindi makatarungang sistema ng paggawa gaya ng kontraktwalisasyon at impormalisasyon; kawalan ng suportang sosyal mula sa estado gaya ng kawalan ng tunay na repormang agraryo at suporta sa mga malilit na magsasaka at mangingisda; kakulangan ng suporta at proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs); kakulangan ng budyet at hindi maayos na pagpapatupad ng programa sa edukasyon at iba pang pangunahing social services; at ang paggiit sa hindi angkop na kaunlaran sa mga komunidad at pamayanan sa pamamagitan ng mina, plantasyon, logging, pagtayo ng mga coal-fired power plants na nag-dudulot ng malawakang pang-aagaw ng mga lupaing ninuno at sakahan ng mga mamamayan at pagkasira ng kalikasan;

Ang kahirapan na dala ng hindi makataong kaunlaran na dinidikta ng sistema na ang layunin ay ang walang humpay na pagkamkam ng malakihang ganansya, pagmonopolyo at pagsapribado ng mga likas na yaman ay nagdudulot ng mataas na agwat at hindi pantay na kaunlaran sa lipunan at hinuhubaran ng dignidad ang mga mamamayan;

Ang patuloy na kaguluhan at militarisasyon ditto sa Mindanao ay nagdudulot ng matinding paglabag sa karapatan ng mga mamamayan upang mabuhay at mamuhay ng tahimik. Ito rin ay nagreresulta sa malawakang dislokasyon ng mga libu-libong mamamayan mula sa kanilang lupain, trabaho at pamamahay;

Ang mga tao at grupong patuloy na lumalaban para sa karapatang pantao ay pinapaslang  dahil sa “red tagging”- ang mga taong nakikibaka para sa karapatang pantao ay inuugnay sa mga “rebeldeng grupo” at iba pang elementong kinikilala bilang kalaban ng estado at malalaking negosyo;

Sa kabuoan ang karapatang pantao ng mamamayang Lumad, Moro at Migrante sa Mindanao ay nasasadlak lalung-lalo na sa kawalan ng hustisya sa mga napaslang na mga mamamayang patuloy na nagtatanggol sa karapatang pantao.

Kami ay naniniwala na sa aming sama-samang pagkilos ay mapapalakas ang hanay ng mga mamamayang Lumad, Moro at Migrante upang isulong ang karapatang pantao na magiging pundasyon ng tunay na kapayapaan  at sustenableng kaunlaran sa Mindanao at buong bansa ;

Kami ay magtutulak ng mga mekanismo upang patuloy na protektahan ang mga kapanalunan ng mga komunidad at mamamayan sa usaping kaunlaran, kapayapaan at karapatang pantao;

Kami ay nakikiisa sa mga organisasyon at pormasyon sa lokal, nasyunal at internasyunal upang mas lalong mapatatag pa ang pakikibaka para sa karapatang pantao;

Kami ay nagkakaisa na patuloy na palakasin ang aming mga pormasyon at organisasyon bilang tugon sa hamon at banta sa malayang pagsasakatuparan ng karapatan ng bawat tao at ng kalikasan;

Kami ay nananawagan na:

·      Itigil ang militarisasyon sa mga komunidad;
·      Itigil ang pamamaraang pagpahati-hati ng mga tao sa komunidad;
·  Itigil ang mina, logging, agri-business plantations at pagtayo ng mga coal-fired power plants at iba pang proyektong nakakasira sa kalikasan at komunidad;
·    Itigil ang pananakot sa mga magsasaka/tenante at isulong ang pagpatupad ng repormang agraryo at sa pangisdaan;
·   Ipatupad ang minimum wage, mga benepisyo at itigil ang kontraktwalisasyon sa paggawa;
·    Sapat na proteksyon sa mga OFWs at lahat ng manggagawa;
·  Itigil ang praybitisasyon sa mga pangunahing serbisyong sosyal (pangkalusugan, pang-edukasyon, patubig, transportasyon, irigasyon,  elektrisidad, pabahay, at iba pa)
·   Hustisya sa mga biktima ng extra-judicial killings na gawa ng state and non-state elements at mga proyektong mapangwasak sa kumunidad at kaliksan;
·   Mabilisang pagproseso sa ancestral domain claims;
·    Maayos na serbisyo at programa para sa mga biktima ng kalamidad at gyera;
·     Partisipasyon ng mga mamamayan at komunidad sa usaping pangkapayapaan upang mas maisulong ang inklusibong balangkas nito;
·    Ipaloob ang karapatan ng mga katutubo sa Bangsamoro Basic Law;
·    Isulong ang mapayapang pamamaraan sa pagresolba ng gyera sa Mindanao
·    Ipatupad ang mga mekanismo na magsasakatuparan ng karapatan ng bawat tao.


Para sa karapatang pantao at kalikasan:


1.      Kaagapay OFW Resource and Service Center
2.      Maharlika – DKMP-Lanao
3.      KALESALE - DKMP-Lanao
4.      Lig-ong Hiniusang Kusog sa mga Kabus sa Iligan (LIHUK)
5.      Movement of Young Catalysts for Change (MYCC)
6.      Kahugpungan sa mga Mangingisda sa Kolambugan (KASAMAKO)
7.      Lanao Fisheries Advocacy Netwrok (LFAN)
8.      Iligan Survivors Movement (ISM)
9.      LUMAKA
10.  LAWIG – Byahe sa Kausaban
11.  Lapayan Power Movement Association (LPMA)
12.  Liga ng Makabagong Kabataan (LMK)
13.  Lanao Alliance of Human Rights Advocates (LAHRA)
14.  Mindanao Peoples Peace Movement (MPPM)
15.  Manga Solo Parents Association (MASPA)
16.  Nagkahiusang Mangingisda sa Karumatan (NAMANGKA)
17.  Mindanao Tri-People Youth Center (MTPYC)
18.  Teduray-Lambangian Youth and Student Association (TLYSA)
19.  Teduray Justice and Governance (TJG)
20.  Mindanao Tri-people Women Resource Center (MTWRC)
21.  Alyansa ng Mamamayan para sa Karapatang Pantao (AMKP)
22.  Nagkahiusang Mag-uumang Organiko (NAMAO)
23.  Filipino Katoliko (FK) CARAGA
24.  Mindanao Indigenous Peoples Initiative, Research Assistance Center (MIPIRAC)
25.  Kagkalimwa OFW Federation
26.  Cadiz Farmers Association
27.  SDL-GenSan
28.  Kalamungog Farmers Association (KALFA)
29.  ALAKOP Council of Timuays
30.  Inged Fintailan – Timuay Justice and Governance
31.  Tri-people Youth (TRY)-Change
32.  Ranao Women and Children Resource Center (RWCRC)
33.  Demokratikong Kilusang Magbubukid (DKMP)-Lanao
34.  Tri-people Organization against Disaster (TRIPOD) Foundation
35.  Pigkarangan Youth and Student Organization (PYSO)
36.  Ranaw Tri-people Movement for Genuine Peace and development (RTMGPD)
37.  Sumpay Mindanao
38.  Soodoroy de Kelebunan Women
39.  Mamalu Descendants Organization (MDO)
40.  Sustainable Alternatives for the Advancement of Mindanao (SALAM)
41.  Lanao Aquatic and Marine Fisheries Center for Community Development (LAFCCOD)
42.  Nagkahiusang Organisasyon sa mga Mangingisda sa Tubod (NOMATUB)
43.  Convergence of NGOs/POs in Zamboanga del Sure for Agrarian Reform and Rural Development (CONZARRD)
44.  Kahugpungan sa mga Mag-uuma ug Mamumuong Kababayen-an (KASAMMAKA)
45.  Lig-ong Panaghiusa sa mga Mamamuo sa Banika sa Lanao (LPMBL)
46.  Kilusang Maralita sa Kanayunan (KILOS KA)
47.  Electoral Reforms and Development  Assistance Center (ERDAC)
48.  Ilelama Council of Timuays
49.  Coal Resistance (CoRe) Movement
50.  Teatro Pag-asa
51.  Alyansa sa mga Kabus sa Lungsod ug Syudad (AKLAS)
52.  Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan (AKMK)


Contact Persons:


Adona Orquillas
Chairperson
Alliance of Tri-people for the Advancement of Human Rights ( ALTAHR)
Mobile #: 09356659608


Jennevie Cornelio
Secretary General
Alliance of Tri-people for the Advancement of Human Rights ( ALTAHR)
Mobile #: 09061370457

September 5, 2015

-------------------------------
MindanaoGrassroots Human RightsConference
Dapit  Alim, Simbuco, Kolambugan, Lanao del Norte
September 3-5, 2015



No comments:

Post a Comment