Ang Liga ng Makabagong Kabataan (LMK) ay isang organisasyong politikal na bukas sa lahat ng kabataang Moro, Lumad at Mayoryang Pilipino na handang tanggapin at yakapin ang mga adhikain at mga prinsipyo nito. Ang LMK ay naniniwala sa social equity sa larangan ng politika at ekonomiya.
Wednesday, 4 June 2014
Kalikasan at Sangkatauhan: Sentro ng Pagbabago
5 Hulyo 2014
Sa kapanahunan ng World Environment Day ngayong araw (5 July 2014) ay ipinapahayag ng Liga ng Makabagong Kabataan ang pagbalikwas gaya rin noon sa balangkas ng Pamahalaang Aquino at ng pandaigdigang pang-ekonomiyang sistemang umiiral na mapang-wasak at mapang-hamak sa Kalikasan at Sangkatauhan.
Sa likod ng mga malawakang trahedyang kalikasan at kalamidad ay mas pinaiigting pa ng administrasyong Aquino ang panghihikayat ng mga korporasyong mamuhunan sa pagmimina at malawakang konbersyon sa gamit ng lupa at buong agrikultura.
Ipinapaabot rin ng LMK ang panawagang itigil na ang pagsasapribado sa likas na yaman at ng mundo.
Gawing sentro sa programa at balangkas ng lahat ng pamahalaan at mga kilusan ang kalikasan at sangkatauhan.
Bigyang katarungan ang mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng agaran at responsableng pagtugon sa kanilang mga karapatan at kapakanan.
Mas pagtuunang pansin ang sustenable at organikong agrikultura na tutugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa halip na ang interes ng mga Korporasyon.
Integrasyon at Pag-aaral sa buhay at kultura ng mga Katutubo at ng kanilang Sistema ng pamumuhay na mas pinapahalagahan ang kalikasan.
Sa mga kapwa namin kabataan, integrasyon sa masa sa kanayunan, kalunsuran at pagawaan ay malaking ambag sa naka-ugat nating angat na kamulatan.
Panghuli, tiyak na po na hindi kayang solusyonan ng Kapitalismo ang Krisis ng Kalikasan at Ekonomiya dahil sa sagad na katangian nitong labis-labis at ganid na akumulasyon ng kapital at tubo. Wala pong ibang tugon kundi Sosyalismo, EkoSosyalismo!
Ngayon ang Pagpapanday hanggang sa tayo ay magtagumpay!
Liga Ng Makabagong Kabataan
Mindanao, Pilipinas
lmkabataan@yahoo.com.ph
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment