Monday, 16 November 2015

PAHAYAG: Huwag Ilihis ang Isyu, Pakinggan ang mga Katutubo!

Kumalat at kumakalat ang paninira at pagpapahina sa giit ng mga non.moro Lumad sa ARMM sa usaping bangsamoro. Iniuugnay sa mga rebolusyonaryong kilusan ang mga personalidad ng mga non.moro Indigenous Peoples na nagsusumikap mailagay sa panukalang bangsamoro ang kanilang mga karapatan sa teritoryo, pagkakilanlan at bilang mamamayan. Na kuno sila ay mga kasapi ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa-Mndanao, Communist Party of the Philippines, at kung anu.ano pang maka.kaliwang grupo.

Sa totoo lang, hindi ito ang isyu dito sa iginigiit ng mga lumad sa Bangsamorong usapin. Kung susuriin pa, posible nga namang may membrong lumad ang mga maka.kaliwang kilusan at maging ang Moro Islamic Liberation Front , Moro National Libertaion Front, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at iba pang grupo. Kahit gagawa pa ng profiling sa mga pwersa nito.

Subalit ang tunay na isyu dito ay ang pagpapahalaga at pagkilala sa mga demokratikong karapatan bilang mamamayan ng mga non.moro lumads sa loob ng anumang political entity sa bansa.

Kung mismong ang panig ng Pamahalaan ng Pilipinas ang tatalikod sa mga lumad dahil hindi nito kayang panindigan sa usapang pangkapayapaan ang lehitimong karapatan ng mga lumad ay tiyak ngang maghahanap ng iba pang porma ng pakikibaka ang mga lumad. ANG PAMAHALAAN NG PILIPINAS MISMO ANG NAGTULAK AT MAGTUTULAK SA KANILA NA KUMILING SA MGA REBOLUSYONARYONG KILUSAN. At napatunayan na ito sa kasaysayan.

Kung ang attitude ng mga panig na nag.uusap at ng mga supporters ng pag.uusap ay ang pahinain at isantabi ang mga lehitimong karapatang ito, bahagi rin ito sa mortal na pagkakasala laban sa mga lumad.

Kung ang red.tagging ay upang pahinain at ineutralisa ang assertions ng mga non.moro ips, malaking mali ito.

Maliwanag na may bigat at may katuturan at kabuluhan ang hinaing ng mga katutubo. DAPAT LANG PAKINGGAN.

SUPORTAHAN ANG PAKIKIBAKA SA SARILING KAPASYAHAN NG BANGSAMORO!

TIYAKIN ANG MGA DEMOKRATIKONG KARAPATAN NG MASANG MORO!

KARAPATAN SA LUPAING NINUNO AT PAGKAKILANLAN NG MGA LUMAD SA BANGSAMORO, BIGYANG KATIYAKAN!

KARAPATANG PANTAO AT KALIKASAN TUPARIN!

KAPAYAPAAN!

Tatay Remo Fenis

No comments:

Post a Comment