Tuesday 24 November 2015

PAHAYAG: KALIKASAN AT KARAPATANG PANTAO UNA SA LAHAT!

24 November 2015
ECOWALK: A WALK FOR HUMANITY & ENVIRONMENT
Ang Climate Change ang isa sa pinaka nakapanlulumong banta ng kasalukuyan sa kalikasan higit sa lahat sa buhay ng mga tao.
Ang pakikibaka laban sa pag abuso ng kalikasan ay hindi lamang para mabuhay kaakibat nito ang paglalaban sa karapatang pantao, hustisya, at kapayapaan para sa ikagaganda ng pamumuhay ng tao sa kumunidad. Ang pakikibaka sa hustisya ng kalikasan ay nagpapakita sa pagsulong na itigil ang pag-abuso rito.
Sa kapanahunan ng Climate Negotiation sa Paris (COP21) nitong ika- 28 ng Nobyembre 2015 kung saan ang mga pinuno ng mga bansa ay inaasahang magdedesisyong pababain ang kanikanilang pag-gamit ng mga fossil fuels at bigyan ng agarang tugon ang krisis sa klima at mga biktima, ay kikilos din ang buong mundo upang ipakitang nakabantay tayo.
Ang pangkalikasang usapin ay may epekto at implikasyon sa mga mamamayan. Bilang koneksyon dito, ang Central at South Central Mindanao ay nagkaroon ng kakulangan sa supply ng pagkain, pagmimina at mga proyektong piligro naman ang kapalit sa tao.
Bilang Sektor ng kabataan, hindi namin hahayaan na maupo sa isang tabi at hintayin na lamang ang tuluyang pagwasak ng lupaing pamana ng aming mga ninuno at malagay sa alanganin ang sector ng kababaihan, kabataan, matanda at mga katutubo. Ang Teduray Lambangian Youth and Student Association (TLYSA), Tri-People Youth for Change (TRYCHANGE), at Society of OFW Children (SOFWC) mula sa Cotabato City at Maguindanao ay umiimbita sa lahat para sa isang araw na ECOWALK: A Walk for Humanity and Environment sa darating na ika-28 ng Nobyembre taong 2015 simula sa Nuro, UPI, Maguindanao patungong Plaza ng Cotabato City. Inaasahang may 300 na lalahok.
Layuning kampanya na mapataas ang karapatang pantao at kalikasan na maging sentro sa lahat ng pag-unlad. Pangalawa, sumuporta sa pandaigdigang kampanya para sa hustisya sa kalikasan. Pangatlo, maiparating sa publiko ang mga pangkalikasang usapin na nakapaligid sa kanila. Pang-apat, maisulong ang social justice at kapayapaan para sa mga tao.
Inaanyayahan po namin ang bawat indibidual na lumahok at sumuporta sa aming kampanya para sa kalikasan, umaasa kami sa inyong positibong pagtanggap.
Dala natin ang mga panawagang:
TUTULAN ANG MINA SA MAGUINDANAO AT BUONG CENTRAL MINDANAO!
LUPAING NINUNO, IPAMANA HWAG IPAMINA!
KATARUNGANG PANGKALIKASAN!
ITIGIL ANG LAHAT NA MGA PROYEKTONG AGRESYON!
KALIKASAN AT KARAPATANG PANTAO UNA SA LAHAT!
IBASURA PHILIPPINE MINING ACT!
Reference Persons:
LAIDA MUSA
TRYCHANGE
Cp Num: 09069736929
Email: try_change25@yahoo.com
RUEL MORFING
TLYSA
Cp Num: 09352768279
Email: tlysaorganization@yahoo.com.ph

No comments:

Post a Comment