Habang ang lahat ay abala sa iba’t-ibang bagay, sa
araw na ito makalipas ang apat na taon, may 58 na murang katawang tinabunan ng
lupa bunga ng pagka-ganid sa kapangyarihan at dulot ng sistemang mapaniil sa
isang sulok ng probinsay ng Maguindanao. Mga mamamahayag at sibilyang nais lamang
sana isapraktika ang karapatang lumahok sa halalan at ipabatid sa lipunan ang
mga pangunahing kaganapan, sa isang iglap, sama-sama na silang lumisan. Kinitil
ang Buhay nang walang kalaban-laban.
Ang Tuwid na Daan
Uhaw! Matagal na! Uhaw sa Katarungan ang mga
Kaluluwa at mga kaanak at kaibigan ng mga biktima. Umasa na sa pagpalit ng
bagong pamunuan dala-dala ang TUWID NA DAAN na krusada ay mas may kabuluhan ang
Sistema ng Katarungan ng bansa. Subalit, tila hanggang krusada na lamang ito sa
politika ng pag-impluwensyang kumampi na sa bagong pamunuan ng bansa ang
malaking clan na sangkot sa nasabing karumal-dumal na krimen. Hanggang ngayon
Uhaw sa Katarungan! Hindi ramdam ang tuwid na daan.
Masaker sa Sangkatauhan! Masaker sa Karapatan!
Masaker sa Kalikasan! Masaker Kahit Saan!
Ang Maguindanao Massacre ay isa lamang sa
napakaraming mukha ng Masaker sa Karapatang sinapit ng mamamayan. Lahat na lang
ay gagawin nang mga nasa posisyon upang ipagtanggol ang kanilang pagka-ganid.
May iba ding mukha ng Masaker ngayon na tila ba,
bumabalik-balik pa. Ang Masaker sa Kalikasan.
Ang patuloy na paglikom ng ginansya at tubo ng mga
kapitalistang dayuhan at lokal kakuntsaba ang mga institusyong politikal ay
naghatid sa sangkatauhan sa sadlak at dulo ng kawalan.
Lumalawak ang bilang ng nagugutom at naghihirap,
nawawalan ng trabaho at naghahanap, at iba pa.
Dulot nitong hagupit ng bagyong Yolanda, may dagdag
na 5.1 Milyon ang walang trabaho sa lakas pag-gawa ng bansa. Apektado ang halos
13 Milyong mamamayan at karamihan ay mahihirap na sa wala pa ang kalamidad ay
nagtitiis na sa hgupit ng ekonomiyang hindi maka-tao.
Katarungan, Nasaan?
Nitong ika-apat na taon mula nang maganap ang
Maguindanao Massacre, ang Liga ng Makabagong Kabataan kasama ang iba pang mga
kilusang nagsusulong ng Katarungan para sa mga biktima ay PATULOY na
NAGPAPABATID at SUMISIGAW ng KATARUNGAN para sa mga KALULUWANG UHAW!
KATARUNGAN para sa KALIKASAN! KATARUNGAN para sa
mga BIKTIMA ng YOLANDA! KARAPATAN, IPAGLABAN!
Reemar
Alonsagay
Secretary General
LMK-Ranao
lmkabataan@yahoo.com.ph
Secretary General
LMK-Ranao
lmkabataan@yahoo.com.ph
No comments:
Post a Comment