In the
condemnation of Ampatuan Massacre and 2014 Budget Cut of State Universities and
Colleges
Apat na
taon na matapos mangyari ang pagpatay at pagmassacre sa
limangput walo (58) katao sa ampatuan municipality, maguindanao. Apat na
taon na din nakalipas wala pang nakakamtan na hustiya sa mga namatay na mga
mamahayag (32), mga abogado, mga sibilyan at mga naulirang pamilya ng mga
biktima (26).
Mapahanggang
ngayon, wala pa rin pag usad sa kaso, walang update, walang pagbabago at wala
pang napatawan ng parusa kahit klarung klaro na kung sino ang ulo sa ampatuan
massacre. Naging bulag, pipi at bingi ang gobyerno sa pagsiwalat at pagbungkal
ng hustisya. Naging commercialized na ang hustisya sa pilipinas “wealth people
can only avail justice, poor people NEVER”. That’s how justice works in the
Philippines.
Ang
AMPATUAN MASSACRE ay isa sa pinakamalubhang nangayari sa kasaysayan ng human
rights violation sa pilipinas matapos ang rehiming marcos at ang pilipinas ay
naging isa sa pinakadelikadong bansa/”deadliest state” para sa mga journalists
according to the expert. Naging larawan din ang ampatuan massacre sa
sistemang mayroon tayo ngayon. Sistemang hindi maka tarungan, sistemang
pagsasamantala, sistemang bulok at sistemang hindi makatao.
Ang
AMPATUAN MASSACRE ay isa lamang mukha ng massacre sa lipunan. Isang indikasyon
ng personal na interest ng mga makapangyarihan tao sa pilipinas. Kaya matuloy
ang iba’t ibang mukha ng massacre sa lipunan.
- Patuloy ang mga anti-labor laws ng mga manggagawa. Nandyan ang sistemang contractualization at regionalization minimum wage ng mga magulang natin kaya hindi tumataas ang sahod ni papa at habang patuloy tumataas ang mga bilihin sa merkado katulad ng bigas, karne kasali ang kuryente, tubig, matrikula at requirements ni junjun at buwis (12% vat).
Basi sa
datos Taon-taon tumataas rating ng mga unemployed sa pilipinas habang patuloy
ang limitadong trabaho. Epekto nito ang pagdami ng job mismatching at pag dami
ng mga call agent (BPOs). Pati ang pag trabaho sa ibang bansa ay naging
mangunahing sulosyon ng mga pilipino upang matustusan ang mga
pangangailangan ng kanilang pamilya. Ngunit sa nakita nating sitwasyon ngayon
ng mga OFW sa middle east (Saudi Arabia) ay napakahirap. Libo-libong OFW ang
pinauwi o immediate exit ng Government of Saudi Arabia ngayong taon dahil sa
illegal recruiting sa pilipinas. Ang iba ay pina detain muna sa embahada
(Philippines Embassy) ng dahil ito sa kahirapan sa pilipinas at kawalan ng trabaho
kaya nakipagsapalaran sa ibang bansa.
- Economically, pinataas nito (OFW) ang angkat ng dolyar sa pilipinas dahil sa remittances (2012 remittances: $24B (10% of country’s economic output) tuwing nagpapadala sila sa pamilya kaya ngayong first quarter tumaas ang Gross Domestic Product sa hindi inaasahang porsyento 7.8%. Kung titiganan nating mabuti, tumaas nga ang ekonomiya “IMF said, Philippines is the sleeping tiger of the Asia and Newly Industrialize County at Goldman Sachs said in 2050 (estimate), 14th most powerful country in terms of economic power “Next 11 Economies”. Ngunit sa paglago nito mas klaro ang kahirapan (MARGINALIZATION), kawalan ng trabaho at pagsasamantala. Samantalang ang mga business tycoon at mga kapitalista katulad ni lucio tan,Henry Sy ang nakaramdam ng economic development.
- Massacre sa mga Social service patuloy ang programang PPP public-private partnership ni pinoy kung saan patuloy ang pag commercialized ng mga hospital at electric power corporation. Naging stratehiya ito ng gobyerno upang ibigay sa mga pribado ang kanilang obligasyon at responsibilidad na pagsilbihan ang mga tao. Katulad ng Agus Pulangi Hydroelectric Corporation sa Mindanao na pagmamay ari ng gobyerno. Ngunit mas tinutulak ni President Aquino ipabili sa mga pribadong sektor (aboitez, alcantara at lopez), because there are laws and policy that we are allowing private sectors to own all public facilities. Halimbawa nito ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA). Epekto nito ang patuloy na rotating brown outs at pagmahal ng bayarin sa kuryente, ito din ang nakitang options ni President Aquino ang magbayad ng mahal o patuloy na rotating brownouts. Dahil nasa pagmamay ari na ng pribadong sektor ginigipit nito ang mga consumer.
- Ang sistemang neo -liberal globalization ang naging ugat ng pagdami ng Multi Corporation. 80% of the economic power owned and dominated by bourgeois in the Philippines, they are not full blooded Filipinos but they are mestizo and foreigner. Dahil sa sistemang ito naging bukas sa global market ang pilipinas, ang export at import o free trading. Halimbawa nito ang relasyon ng estados unidos at pilipinas, nag aangkat ng mga raw materials/domestic products (crops, rice) ang pilipinas sa U.S kung saan mura at ang U.S nag aangkat sa pilipinas ng mga branded materials kung saan mas mahal ang tax na binabayad ng pilipinas. Isa lang itong halimbawa ng exploitation ng mga first world country (US) sa mga third world country (Philippines). Hindi lang sa economic views kundi pati sa politika, media at social na aspeto nagiging sunod sunoran at kontralado tayo ng estados unidos. Patuloy ang pagpapadala ng mga sundalong amerikano at pagsuporta ng U.S sa paglaban ng spratly island at Scarborough shoal sa china.
- Massacre sa Politika, patuloy ang misuse ng pera at ang korupsyon. Ang Priority Development Allocation fund (PDAF) o Pork Barrel (including the presidential pork barrel), Disbursement Acceleration Program (DAP) at Special Purpose Funds (SPFs) ay tatlo lamang sa mga programang nagpro promote ng mga (TRAPOs) traditional politician, monopoly of power at korupsyon. Ang pagputok ng 10 billion scam ni napoles at iilang mga senador at kongresista ay pinakamalaking political scandal sa kasaysayan ng pilipinas matapos ang ZTE, fertilizer at “hello garci sacm” ni Gloria. Ninanakaw ng mga iilang senador at kongresista ang pera ng bayan. Ayon sa data ng Commission og Audit, lumalabas na may 5 senador ang nasangkot sa pork barrel scam. Nangunguna ditto si Sen. Bong Revilla na may P 1.015 Bilyong piso; Juan Ponce Enrile P 641.65 M; Jinggoy Estrada P 585 M; Bong Marcos P 100 M; Gringo Honasan P 15 milyong piso.
Kung saan
ang perang ito ay galing sa buwis ng mga magulang natin. Upang
gamitin sa campaign materials during eleksyon at pang personal na interest.
“Phil Daily Inquirer calls for Abolition of pork barrel, after expose on
systemic corruption, how government officials earned from overpriced projects
to receive large commissions. At mapahanggang ngayon hindi pa napapatawan ng
parusa ang mga senador at kongresista na sangkot sa pangungurakot. Isa lang ito
sa massacre ng gobyerno sa mga pilipino upang patuloy ang sistemang hindi
makatarungan.
- Massacre sa kalikasan, patuloy ang illegal logging at Mining Corporation at nagiging resulta sa “development aggression”. Nakikita ang pagdami ng mining industry sa pilipinas ng dahil sa mining act of 1995. Ang pagbuga ng carbon emission at mga chemicals galing sa corporation ay patuloy ang aggression sa mga natural resources at apektado ang mga taong naninirahan malapit sa corporation. Halimbawa ang Mining Industries sa bukidnun, surigao at zamboagga apektado ang pamumuhay ng mga Indigenous People, kung saan ang small scall mining ang kanilang pinagkakakitaan. Pati ang kanilang lupang kabahin o ancestral domain ay na apektuhan na din. Kahit nangyari na ang bagyong sendong at kumitil ito ng libo libong buhay, continue pa rin ang pagputol ng kahoy o illegal logging sa iligan at Cagayan. Walang strict implemented policy ang local government upang tigilan ang ganitong pangyayari. Tatlong taon na ang sendong ngunit may mga iilang pamilya pa rin ang walang matirahan, wala pa rin relocation.
- Massacre sa mga State Universities and Colleges at Educational system. Ngayong 2014 may nababadyang budget cut naman sa mga SUC’s, according to DBM P829,732,000 milyon ang kaltas ng Mindanao State University, pangalawa sa makakaltasan ngayong 2014.
Taon
|
Personnel Services
|
MOOE o Maintenance and other operating
expenses
|
CO o Capital Outlay
|
Total
|
2012
|
P 1,371,920,000
|
P 66,996,000
|
P O
|
P 1,438,916,000
|
2013
|
P 1,661,186,000
|
P 77,813,000
|
P 868,592,000
|
P 2,607,591,000
|
2014 [PROPOSED BUDGET NG MSU SA DBM]
|
P 1,675,516,000
|
P 102, 343, 000
|
P 0
|
P 1,777,859,000
|
SOURCE:
dbm.gov.ph
*hindi
pai ang RLIP
Basi
sa budget allocation prepared by Department Budget Management (DBM) nagbunsod
ito upang itaas ng gobyerno ang budget sa mga SUCs tulad ng MSU ngayong 2013.
Mula sa P 1, 371,920,000 noong 2012, lumaki sa P 1,661,186,000 ang budget para
sa PS. Tumaas naman ng P 10, 817, 000 ang alokasyon sa MOOE. May inilaan na
ding P 865 592, 000 para sa CO.
Ang
pagtaas ng subsidyo sa kasalukuyang taon ay hindi pa rin sapat para sa pangangailangan
ng pamantasan kung saan ito ay humuhingi ng 2013 actual request.
Subalit
ang naturang pagtaas ng budget ng SUCs ay pansamantala lamang dahil sa inilabas
na panukalang budget ng DBM para sa taong 2014, makikita ang paglaba na naman
ng mga nakalaang budget para sa MSU at iba pang 78 na unibersidad.
Para sa
2013, makatarungan lamang na dagdagan ang pondo para sa MOOE at ang pagbibigay
ng budget para sa CO. Subalit sa gitna ng pagdaragdag nang budget sa taong
2013, kapos pa rin ito para tugunan ang pangangailangan ng unibersidad.
Higit sa lahat., hindi pa rin ito nararamdaman nang mga estudyante dagil
dumdami ng bayaring ipinapasa sa kanila (sa pamamagitan ng IGPs) para
matustusan ang pangangailangan ng pamantasan.
Nakikita
din masmalaki ang mapupunta sa defense, social welfare and development at dpwh.
Mas prioridad ng government ang pagbili ng mga armas at battleship kaysa
paglaanan ng pansin ang edukasyon.
Isa sa
nakitang dahilan kung saan patuloy ang pagigipit ng gobyerno sa mga SUCs ay ang
Roadmap to Public Higher Education Reform (RPHER) sa ilalim ng repormang ito
layon ng gobyerno na irationalize at ipasabalikat sa mga SUCs ang gastusin ng
mga ito upang mabawasan ang pag-asa sa pondong ibinibigay ng gobyerno.
Tinutulak din ng gobyerno na magsagawa ang mga SUCs ng mga programang
mapagkakakitaan o mga income generating project (IGPs) upang matustusan ang
pangangailangan ng kanya-kanyang unibersidad. Tinatayang sa 2016, 50% na lamang
ng kabuuang hiling ng budget ng mga SUCs ang maibigay ng gobyerno. Dahil dito
unti-unting magiging komersyalisado at pribado ang mga SUCs . Kaya marami
ng mga unibersidad nagiging semi private (msu iit, usm, usef) at tumataas ang
matrikula. Ito din ang nagiging rason bakit maraming miscellaneous na
binabayatan katulad ng mga workbooks, mga manual, cultural tickets at lab fee
(forms of income generating project). Ginigipit din ang mga scholarship at
kamkailan lang in-abolish na ang tuition privilege para sa freshmen. Ito din
ang rason bakit hindi tumataas ang sahod ng mga instructors dahil maliit lamang
ang allocated budget ng national gov’t sa personnel services.
Sa harap
ng pagtaas ng matrikula, komersyalisasyon at pribitisasyon, malalabag ang
nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas:
“The
State shall protect and promote the rights of all citizens to quality education
at all levels, and shall take appropriate steps to make such education
accessible to all”
-the
constitution of the Philippines adopted 15 October 1986, amended 1987,
EDUCATION, Section 1.
Ang
karapatang makapag aral ay hindi na bukas sa lahat ng mga kabataan gustong
maabot ang kanilang ambisyon. Kundi naging prebilihiyo na ito sa mga mayroon sa
buhay.
Ang lahat
ng mukha ng massacre sa pilipinas ay magkaugnay, hindi na iiba ang problema ng
mga State University and Colleges sa problema ng mga mangagawa. Iilan lang ito
sa mga massacre na hindi pa nabibigyan ng hustisya at patuloy ang
pagsasamantala ng mga makapangyaring tao.
Ang
AMPATUAN MASSACRE ay nagpapatunay lamang nasa ilalim pa rin tayo ng mapang aping
lipunan.
Ang Liga
Makabagong Kabataan dala ang adbokasiyang pinaglalaban, ang pantay-pantay
na hustisya (SOCIAL JUSTICE) ay nakikiisa sa paglalaban ng hustisya sa lahat ng
mga biktima ng AMPATUAN MASSACRE at sa iba’t ibang MUKHA NG MASSACRE.
Patuloy
ang Liga ng Makabagong Kabataan sa pakikipaglaban sa mga na aapi sa
lipunan , maninindigan ang lmk sa adbokasiya at karapatan ng bawat isa at
kikilos ang liga ng makabangong kabataan hanggat may katiwalian sa
sistema.
KABATAAN!
LUMABAN ! MANINDIGAN! KUMILOS!
Reemar Alonsagay
Secretary General
Liga ng
Makabagong Kabataan Ranao Impire
Iligan
City, Mindanao
No comments:
Post a Comment