CineMasa (Viewing Realities)
Matagumpay nailunsad ng Liga ng Makabagong Kabataan
(LMK)- Ranao ang Cinemasa at bilang paghahanda sa Musikausaban (November
30, 2012) bilang pagbukas ng isang linggong selebrasyon ng Mindanao Week of
Peace sa Iliugan City sa temang “ Katumanan sa Tawhanong Katungod,
Pundasyon sa Malahutayong Kalinaw ug Hustisya alang sa Malambuong Katilingban.”
Mga alas singko ng hapun nag simula ang aktibitad
sa pangunguna ng LMK . Naglabas ng panawagan ang Liga ng
Makabagong Kabataan at Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan bilang
kampanya at pagkakaisa ng mga kabataan tungo sa kapayapaan. Naki jamming din sa
pagkanta ang Volume 14 at Sugo band para aliwIn ang mga nanunuod. Sinundan ng
CineMasa – ang Public Viewing na kinatampukan ng mga sari’t saring
dokyumentaryo patungkul sa food sovereignty, human rights, water privatization,
land struggles, Peace processes at marami pang iba.
Naki -isa din ang Mindanao Peoples’ Peace
Movement (MPPM), Lanao Alliance of Human Rights Advocate (LAHRA), RDRRAC,
RTMGPD, Sumpay Mindanao, SALAM Inc., ERDAC, Mindanao Tri People Youth
Center sa pagselebra Mindanao Week of peace.
Panawagan ng LMK na suportahan at daluhan uli ng
publiko ang isasagawang MusiKausaban na siyang paraan sa paggunita sa ika-149
na Kapanganakan ni Supremo Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan na
gaganapin sa Ika-30 ng Nobyembre, 2012 sa Iligan City Post Office. Itatampok
ang mga awiting alay sa mga biktima ng Bagyong Sendong at paniniil sa
karapatan.
Alas 10 ng gabi natapos ang CineMasa ng matiwasay
at mapayapa na umani ng suporta sa mga manunuod.
No comments:
Post a Comment