Thursday, 13 June 2013

Liga ng Makabagong Kabataan (LMK) nag Protesta sa ARAW NG KALAYAAN!



Hunyo 12, 2013-Ginugunita ng bawat pilipino ang araw ng kalayaan matapos masakop ng mga dayuhang espansyo ang pilipinas. Ngayong taon Ika 115, simula noong hunyo 12 1898 matapos iniwagayway ni Emilio Aguinaldo ang watawat ng pilipinas sa Kawit Cavite.

Sa lungsod ng iligan embes paggunita ng kalayaan ang gagawin naging araw ito ng kilosan at protesta ng sektor sa kabataan na pinangunahan sa Liga ng Makabagong Kabataan- Ranao (LMK) at ang sektor sa kabus sa iligan ang Ranao Tri People Movement for Genuine Peace and Development (RTMGP)”dala dala ang mga isyung ginakaharap ng mga taga mindanao at kabataan, ang pribitisasyon ng mga papublikong serbisyo lalong lalo na sa isyung kuryente at edukasyon. 

Kaninang umaga oras alas otso,nagsimula ang protesta ng mga kabataan . Halos isang daang kabataan ang nag protesta at nagtipon tipon upang manawagan sa lokal at pamahalaan.Sinimulan ito sa martsa ng mga kabataan sa tapat ng MSU IIT papuntang Iligan light Power Inc. Halos isang oras ang paglalakad ng mga kabataan at dala dala ang mga pahayag at banderitas habang sinisigaw ang “preso sa kuryente! paubsan! paubsan!; EPIRA! IBASURA! at Kabataan ! lumaban ! maninidigan! Kumilos.

Pagkatapos ng martsa gumawa ng maikling programa ang grupo ng mga kabataan sa tapat ng Iligan light Power Inc. Pinagunahan ito sa pahayag ni Rodolfo Gonzales,chairperson ng RTMGPD habang sinisigaw ang hindi makatarungang pagtaas ng mga bilihin lalong lalo na ang nababadyang pagtaas ng singgil sa kuryente at kinukondena ang pag indorso ng gobyerno sa pribadong sektor upang bilhin ang mga pampublikong serbisyo. “Matapang nyang sinabi hindi sila titigil magproprotesta hanggat patuloy ang pagsasamanta at katiwalian ng mga namumuno. Sinundan ito sa pahayag ni Max Savandal para sa liga ng makabagong kabataan.sabi nya “ang isyung pagtaas ng babayarin ng kuryente ay hindi naiiba sa isyung edukasyon patuloy ang pag taas ng matrikula sa pampubliko at pribadong eskwelahan. patuloy ang Komersyalisasyon ng Edukasyon. ang lahat ng problema sa lipunan ay konektado kaya kaming kabataan lalaban, kikilos at manindigan sa mga karapatan”.

Ang nasabing programa ng kabataan ay protesta upang ibasura ng Elictric Power Indutrial Reform act o EPIRA. ["sabi ni max savandal ang batas na ito ay pinapayagan ang mga kapitaslistang nagmamay ari ng power producer na pataasan ang singil ng kuryente sa mga konsumer at pinapayagan din ang pribadong sektor bilhin ang mga pampublikong pinagkukunanan ng kuryente"] at protesta laban sa pagigipit ng gobyerno sa budget ng edukasyon.Nanawagan din ng mga kabataan sa mga namumuno ibasura ang mga batas at regulasyon na hindi naaangkop sa mga masa.

Ang nasabing sektor sa kabataan na pinapangunahan sa liga ng makabagong Kabataan (lmk) ay patuloy ang kolektibong aksyon sa pakikipag laban, patuloy maninindigan sa mga kapakanan at karapatan ng mga kabataan at patuloy na kikilos sa mga kabus at naapi sa pinunan. KABATAAN! LUMABAN ! MANINDIGAN! KUMILOS!###

No comments:

Post a Comment