Sunday, 20 November 2016

Bakit ako tutol na ilibing sa LNMB si Marcos?

November 18, 2016


Ako si Zhen  Marohombsar isa sa mga myembro ng Liga ng Makabagong Kabataan (LMK)  at isa sa mga lumahok sa kilos protesta na ginanap noong Nobyembre 9, 2016 para ekondina ang desisyon sa korte suprema na ilibing si dating pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani. Ito ay dahil isa sa mga biktima ang aming pamilya noong kasag-sagan ng Martial Law .

Ayon sa aking pananaliksik ukol sa mga karanasan sa aking pamilya  noong bata pa sila ay sinalakay sila ng mga sundalo doon sa Marawi City, Lanao Del Sur. Sa kasagsagan ng Martial Law  marami  ang pinatay, ginahasa at tinortyur.

Kasama sa mga pinatay ay ang mga kamag-anak  ng aking ina, hinabol sila ng mga sundalo kasama ang kanyang mga kapatid, hanggang tumalon sila sa tulay na pagitan  ng Pantar at Saguiaran para takasan ang mga sundalong humahabol sa kanila.

Nagtago sila sa ilalim ng tulay ng ilang araw. Walang makain, pagod at natatakot na baka makita sila ng mga sundalo. Hanggang ngayon bakas parin sa kanilang mga puso’t  isipan ang mga pangyayari noong panahon ng Martial Law.


Tapos ito ba ang masasabi na tunay na bayani? O baka ito ang makakasira sa dignidad ng mga tao. Sa pagkakaalam ko, ang tunay na bayani ay handang magpakamatay para sa kanyang bayan at hindi ang pumatay ng kababayan. 

-----------------
Si Zhen Marohombsar (18 years old) ay isang Meranaw mula sa Marawi City, Lanao del Sur. Ang pahayag na ito ay binasa niya noong November 18, 2016 panahon press conference ng LMK kung saan siya ay isa sa mga tagapagsalita. 

Thursday, 17 November 2016

Ang mga kabataang Pilipino ay Mangmang at Walang pakialam

Pahayag ng Liga ng Makabagong Kabataan
November 17, 2016




                  “Bayaran, mangmang, bobo, walang alam sa kasaysayan, yellowtards, at pasaway”. Dagdag na rito ang pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar na kami’y mga “temperamental brats” o mga barumbado. Ito ang kabi-kabilang batikos na aming inani noong nagkilos protesta kaming mga miyembro ng Liga ng Makabagong Kabataan (LMK) laban sa desisyon ng Korte Suprema na ilibing si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong November 9 sa Iligan at Marawi City.

                  Ito ba ang pangkalahatang pagtingin sa aming mga kabataan ngayon? Kaming mga kabataan ay nandirito upang ipahayag ang aming pagtutol sa pagturing sa amin na mga mangmang at walang pakialam at sa patuloy na pagpapalaganap ng maling kaisipang ito sa aming kapwa kabataan. Kaming bumubuo ng pinakamalaking porsyento ng populasyon ng bansa ay ang syang may pinakamalaki ding papel sa pagpanday ng isang lipunang may mataas na pagpapahalaga sa karapatan at katarungan.

Ang paglahok namin sa nation-wide protest noong November 9 ay sya mismong pagganap namin sa papel na ito: ang patuloy na pag-aralan ang aming lipunan, mamulat sa mga karanasan at manindigan at kumilos kasama ang iba pang mga mamamayan.

Simula pa man noong 2002, ang LMK ay isinusulong na ang makatao at makatarungang pagbabahagi ng pambansang yaman sa mga pangunahing serbisyong sosyal tulad ng edukasyon, pangkalusugan, tubig, kuryente, pabahay at iba pa. Kung kaya’t nananatili kaming tutol sa korapsyon, pandarambong, pandaraya at pag-abuso sa kapangyarihan.

Sa katunayan, malakas naming tinutulan ang dayaan sa 2007 election sa Iligan City. Nang magkaroon ng pambansang krisis sa bigas noong 2008, kasama kami sa nanawagan ng madaliang pamamahagi ng National Food Authority ng bigas sa mga nagugutom. Nang nanalasa ang mga bagyong Sendong, Agaton at Yolanda, kasama kami sa nanguna sa pagsiguro na ang karapatan at dignidad ng mga survivors ay napangalagaan mula sa relief distribution hanggang sa rehabilitation. Nanguna din kami sa pagtutol sa privatization ng Iligan Diesel Power Plant noong 2012. Kami din ang nag-organisa ng 92-Kilometrong martsa protesta mula Lala, Lanao del Norte hanggang Kiwalan, Iligan upang ipanawagan ang paghinto sa pagpapatayo ng coal-fired power plant sa Iligan at Kauswagan, Lanao del Norte dahil sa pangamba na ito ay magdudulot ng matinding kasiraan sa ating kalikasan at kalusugan.

Kung kaya’t mananatili kaming tutol sa paglibing sa diktador na Marcos sa libingan ng mga bayani sapagkat ito ay pagkait ng hustisya sa mahigit 70,000 na nakulong, 34,000 na natortyur at 3,240 na pinatay sa panahon ng martial law. Ito ay hindi lamang isyung politikal. Ito rin ay usaping personal sapagkat karamihan sa mga kabataang nagprotesta ay mga anak, apo at mga kamag-anak ng mga biktima ng martial law.  Ang pagkait ng hustisya sa kanila ay pagkait ng makatarungang lipunan para sa mga makabagong kabataan.

Hangga’t walang hustisya, kami ay mananatiling lumalaban, naninindigan at kumikilos.

Rayyan Gonzales, Chairperson of LMK Iligan 
Mobile Number: 09168632410 Email: lmkabataan@gmail.com    

Tuesday, 8 November 2016

Indignant youth die-in to protest SC ruling on Marcos


Wearing white masks, the members of the Liga ng Makabagong Kabataan (LMK) die-in in the middle of the street in Iligan City to protest the Supreme Court decision favoring the burial of the late president Ferdinand Marcos in the Libingan ng mga Bayani.

The white masks represent the faceless victims of tortures, extrajudicial killings and other forms of human rights violation who disappeared during the Martial Law. They also symbolize the voices of those faceless victims who have not received justice until now and who were not heard by the Supreme Court and by the President in all the process.

“Kinahanglan nato nga maipadumdom kung giunsa ni Marcos pagpangyatak ang tawhanung katungod panahon sa Martial Law labaw na ky ang mga nabiktima ani kay ang mga kabos.”

(We need to remind the society how Marcos violates the Human Rights during the Martial Law especially most of his victims were poor.)  Rayyan Gonzales, chairperson of LMK-Iligan, said.

The LMK members will gather again 5pm today in front of the Post Office in collaboration with the other multi-sectoral organizations to continue the indignation protest against the burial of Marcos.

Contact person:

Rayyan Gonzales (09168632410)
Chairperson
Liga ng Makabagong Kaabataan (LMK)-Iligan
lmkabatan@yahoo.com

Tuesday, 1 November 2016

LMK-Iligan to launch Youth Assembly

Youth leaders form different LMK Chapters around Iligan City plan out the upcoming LMK-Iligan General Assembly. 

Iligan City- About 130 youth participants will gather at Lim Beach in Barangay Santa Felomina this coming November 5-6, 2016 for an annual LMK-Iligan General Assembly. The participants will come from 17 barangays and 2 schools representing 22 LMK chapters in the city.

There will also be at least 8 youth observers coming from different youth organizations from the City and LMK formations from Zamboanga Peninsula, Lanao del Norte, Marawi City and Davao City who will join the event.

During the general assembly, there will be discussion on the global crisis, national and youth situation, the issues confronting the basic sectors in Iligan City, and the history of youth movement in the Philippines and the challenges in the 21st Century.

The General Assembly aims at strengthening the city-wide structure of LMK in Iligan by charting the direction of the organization based in the present context of the area, electing new leaders who will steer the organization for the next coming year, building solidarity among the different area of struggles of tri-people youth, and bringing back the vibrant and active movement of the youth in the city. 

It also aims at boosting the potential of the youth by channeling their creativity, energy, and daring spirit into proper venue to affect positive change in the society.