Sunday, 20 November 2016

Bakit ako tutol na ilibing sa LNMB si Marcos?

November 18, 2016


Ako si Zhen  Marohombsar isa sa mga myembro ng Liga ng Makabagong Kabataan (LMK)  at isa sa mga lumahok sa kilos protesta na ginanap noong Nobyembre 9, 2016 para ekondina ang desisyon sa korte suprema na ilibing si dating pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani. Ito ay dahil isa sa mga biktima ang aming pamilya noong kasag-sagan ng Martial Law .

Ayon sa aking pananaliksik ukol sa mga karanasan sa aking pamilya  noong bata pa sila ay sinalakay sila ng mga sundalo doon sa Marawi City, Lanao Del Sur. Sa kasagsagan ng Martial Law  marami  ang pinatay, ginahasa at tinortyur.

Kasama sa mga pinatay ay ang mga kamag-anak  ng aking ina, hinabol sila ng mga sundalo kasama ang kanyang mga kapatid, hanggang tumalon sila sa tulay na pagitan  ng Pantar at Saguiaran para takasan ang mga sundalong humahabol sa kanila.

Nagtago sila sa ilalim ng tulay ng ilang araw. Walang makain, pagod at natatakot na baka makita sila ng mga sundalo. Hanggang ngayon bakas parin sa kanilang mga puso’t  isipan ang mga pangyayari noong panahon ng Martial Law.


Tapos ito ba ang masasabi na tunay na bayani? O baka ito ang makakasira sa dignidad ng mga tao. Sa pagkakaalam ko, ang tunay na bayani ay handang magpakamatay para sa kanyang bayan at hindi ang pumatay ng kababayan. 

-----------------
Si Zhen Marohombsar (18 years old) ay isang Meranaw mula sa Marawi City, Lanao del Sur. Ang pahayag na ito ay binasa niya noong November 18, 2016 panahon press conference ng LMK kung saan siya ay isa sa mga tagapagsalita. 

No comments:

Post a Comment