Sunday, 7 April 2013

Iboto si Trapo



Ako si Trapo Ko. Gwapito III.

Kumakanditado bilang gobernador ng Probinsya Gwapito del Sur, anak ng dating Congressman. Dating Mayor rin ng aming munisipyo, matapos mapalitan ng aking nakakatandang kapatid. Tumigil lang ako saglit sa politika dahil nagkastroke ako, pero sa awa ng Diyos pinagaling niya ako. Alam niyang kailangan ko pang maglingkod sa masa, at ngayon nagkalakas ng loob akong kumandidato dahil sa tiwala na binigay sa akin ng mga tao.

Noong nakaraang taon, nagpaparamdam na ako (wag kang maiingay ha?) sa gilid ng mga kalye. Naglalagay ng mga tarpaulin na bumabati ng “Happy Graduation” sa mga nagtatapos, “Maligayang Pasko” naman noong Disyembre. Katabi nga ng mga tarpaulin ko ang mukha din ng asawa ni Senador Villar. Napapakinggan din ako sa lahat ng estasyon ng radyo sa probinsya. Sabi nila premature campaign ang ginagawa ko pero wala namang masama sa bumabati at sa nagpaparamdam. Bakit, may nakakaalam ba? Wala naman akong nilalabag na batas ng COMELEC. Masaya na ako na kahit sa ganyang mga paraan lamang ay mapasaya ko ang mga tao sa pamamagitan ng pagbati sa kanila.

Noong isang buwan nag organisa ako ng libreng gamutan at tuli sa lahat. May kasali pang libreng dalawang kilong bigas at tatlong lata ng sardinas. Nag-abot rin ako ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Pinangako ko sa kanila na kapag ako’y kakandidato at mananalo sa halalan, marami akong gagawing proyekto para sa mahihirap. Tutulungan ko silang maka-ahon sa kahirapan. Dadalhin ko sila sa tuwid na daan.. Matatapos na rin ang kalsada na proyekto ko upang makadaan na ng maayos at ligtas ang mga motorista. May pangalan ko pa nga sa gilid ng kalsada: DONATED BY: TRAPO GWAPITO III.

Noong kasagsagan ng pagpaparehistro para sa eleksyon, may inaabot akong pagkain sa mga taong pumipila sa COMELEC. Kawawa nama sila, mahaba ang pila. Mainit diba? Kaya ‘yun, nagbigay din ako ng envelop na may lamang papel. Pera yun. Ang pinakamaliit na naibigay ko ay 100php. Natuwa din ang mga kabataan sa ginawa ko dahil natutulungan daw sila. Kahit sa ganong paraan daw, may nakukuha sila nang walang hirap.

Sa makatuwid galing ako sa mayamang pamilya pero nangingibawbaw pa rin yung interes ko para sa tao. Isa kami sa pinakamalaking nagmamay-ari ng kalupaan sa Mindanao. “Landlord” ang tawag sa amin (hindi ko na sabihin kung ilang hektarya, baka mabuko pa ng DAR). Binili na ng lolo ko sa mga nitibo (IPs) ang lupa sa presyong sampung daang libo.

Nasa angkan at dugo na namin ang pamumulitiko. Dating Congressman ang Lolo ko. Tumigil na siya sa pulitika dahil sa edad. Pumalit sa kanya ang tito ko, at ngayon kakandidato siya muli bilang congressman. Vice-mayor din ang asawa ko at matatapos na din ang termino niya at papalit sa kanya ang kapatid kong si Epal Gwapito pagkaMayor. Kakandidato din na pagkakonsehal ang isang anak at ang tita ko. Barangay Chairman ang isang tito ko at nanalo ang anak niya bilang SK Chairman. Isang buong dynasty ang nagsisilbi sa bayan. Naging tradisyon na sa pamilya ang pagpasok sa politika. Kalabanin man ito ni Senador Mirriam Defensor-Santiago, nakasanayan na ito sa Pilipinas. Kahit nga ang mga Cojuangco-Aquino.

Nagakapag-aral ako sa mamahalin at magandang paaralan simula elementary hanggang kolehiyo. Subalit hindi ako nakatapos ng kolehiyo. Hindi naman ito balakid para paglingkuran ko ang mga tao. Ang mahalaga ay bang tunay na serbisyo na kinakailangan ng mga tao. Bukal sa loob kong huminto sa pag aaral dahil nararamdaman kong oras na para pumasok sa pulitika. Alam kong kailangan na ang isang katulad ko para maglingkod sa mga tao. Alam ko naman na dito rin ang landas ko sa pamumulitiko. Wala namang batas na nagbabawal sa pagtakbo ng mga hindi nakatapos. Kahit nga “no read, no write ka pa” pwedeng kang tumakbo bilang presidente. May iilan ngang senador na hindi marunong mag ingles at copy paste ang mga sinasabi sa kamara. Alam ko namang alam niyo kung sino ang tinutukoy ko. May iilan ding senador na katagal tagal na sa senado ay wala pang naisasabatas. Pero hindi yan ang pinupunto ko. Ang sa akin ang kapangyarihan at kaban ang mahalaga. Hindi na yan uso sa mga politiko, karamihan sa amin may mga personal na pakay. Nagpapabango lang ako sa publiko para botohin.

Kasagsagan na pala ng kampanya. Kumakalat na ang mga posters, flyers, tarpaulin, at iba pa. Nagsisimula na ding mangampanya ang mga tatakbo gamit ang iba’t ibang stratehiya ng mga politiko. May iilang politikong ginagamit ang media para sa pangangampanya. Nagsilabasan na ang mga proyekto, mga donasyon, at mga programa para kunin ang tiwala ng masa. Gaya ko, epektibo talaga ito.

At syempre, ang dating gawi. Mamimigay ako ng pera sa darating na eleksyon. Maghahakot ng mga taong galing sa ibang lugar para makaboto. At ang paborito kong buhayin ang mga patay para makaboto. Titiyakin kong ako ang mananalo.

Muli, Halalan2013 na ngayong Mayo 10. Botohin na ang mga karapat-dapat sa posisyon. Gamitin ang karapatang bomoto at makapili. At pinapangako ko ang kaginhawaan sa buhay at paglutas ng kahirapan sa ating probinsya.

Wag kaligtaang markahan ang bilog na hugis itlog ni Trapo Gwapito III. Para sa tunay at tuwid na serbisyo!
_____________________
Reemar B. Alonsagay 
Political Student Student 
Mindanao State University, Marawi City

Friday, 30 November 2012

Pagsalubong sa Mindanao Week of Peace



CineMasa (Viewing Realities)

Matagumpay nailunsad ng Liga ng Makabagong Kabataan (LMK)- Ranao ang  Cinemasa at bilang paghahanda sa Musikausaban (November 30, 2012) bilang pagbukas ng isang linggong selebrasyon ng Mindanao Week of Peace  sa Iliugan City sa  temang “ Katumanan sa Tawhanong Katungod, Pundasyon sa Malahutayong Kalinaw ug Hustisya alang sa Malambuong Katilingban.”

Mga alas singko ng hapun nag simula ang aktibitad sa pangunguna ng LMK . Naglabas ng panawagan ang Liga ng                 Makabagong Kabataan at Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan bilang kampanya at pagkakaisa ng mga kabataan tungo sa kapayapaan. Naki jamming din sa pagkanta ang Volume 14 at Sugo band para aliwIn ang mga nanunuod. Sinundan ng CineMasa – ang Public Viewing  na kinatampukan ng mga sari’t saring dokyumentaryo patungkul sa food sovereignty, human rights, water privatization, land struggles, Peace processes at marami pang iba.

Naki -isa din  ang Mindanao Peoples’ Peace Movement (MPPM), Lanao Alliance of Human Rights Advocate (LAHRA), RDRRAC, RTMGPD, Sumpay Mindanao, SALAM Inc., ERDAC, Mindanao Tri People Youth  Center  sa pagselebra Mindanao Week of peace.

Panawagan ng LMK na suportahan at daluhan uli ng publiko ang isasagawang MusiKausaban na siyang paraan sa paggunita sa ika-149 na Kapanganakan ni Supremo Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan na gaganapin sa Ika-30 ng Nobyembre, 2012 sa Iligan City Post Office. Itatampok ang mga awiting alay sa mga biktima ng Bagyong Sendong at paniniil sa karapatan.

Alas 10 ng gabi natapos ang CineMasa ng matiwasay at mapayapa na umani ng suporta sa mga manunuod.

Friday, 23 November 2012

Inclusive Statement of Liga ng Makabagong Kabataan-Ranao Empire (LMK) in all Angles of Massacre in the Philippines



In the condemnation of Ampatuan Massacre and 2014 Budget Cut of State Universities and Colleges


Apat na taon na matapos  mangyari  ang  pagpatay at pagmassacre  sa limangput walo (58) katao sa ampatuan municipality,  maguindanao. Apat na taon na din nakalipas wala pang nakakamtan na hustiya sa mga namatay na mga mamahayag (32), mga abogado, mga sibilyan at mga naulirang pamilya ng mga biktima (26).

Mapahanggang ngayon, wala pa rin pag usad sa kaso, walang update, walang pagbabago at wala pang napatawan ng parusa kahit klarung klaro na kung sino ang ulo sa ampatuan massacre. Naging bulag, pipi at bingi ang gobyerno sa pagsiwalat at pagbungkal ng hustisya. Naging commercialized na ang hustisya sa pilipinas “wealth people can only avail justice, poor people NEVER”. That’s how justice works in the Philippines.

Ang AMPATUAN MASSACRE ay isa sa pinakamalubhang nangayari sa kasaysayan ng human rights violation sa pilipinas matapos ang rehiming marcos at ang pilipinas ay naging isa sa pinakadelikadong bansa/”deadliest state” para sa mga journalists according to the expert.  Naging larawan din ang ampatuan massacre sa sistemang mayroon tayo ngayon. Sistemang hindi maka tarungan, sistemang pagsasamantala, sistemang bulok at sistemang hindi makatao.

Ang AMPATUAN MASSACRE ay isa lamang mukha ng massacre sa lipunan. Isang indikasyon ng personal na interest ng mga makapangyarihan tao sa pilipinas. Kaya matuloy ang iba’t ibang  mukha ng massacre sa lipunan.
  • Patuloy ang mga anti-labor laws ng mga manggagawa. Nandyan ang sistemang contractualization at regionalization minimum wage ng mga magulang natin kaya hindi tumataas ang sahod ni papa at habang patuloy tumataas ang mga bilihin sa merkado katulad ng bigas, karne kasali ang kuryente, tubig, matrikula at requirements  ni junjun at buwis (12% vat).
Basi sa datos Taon-taon tumataas rating ng mga unemployed sa pilipinas habang patuloy ang limitadong trabaho. Epekto nito ang pagdami ng job mismatching at pag dami ng mga call agent (BPOs). Pati ang pag trabaho sa ibang bansa ay naging mangunahing sulosyon ng mga pilipino  upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Ngunit sa nakita nating sitwasyon ngayon ng mga OFW sa middle east (Saudi Arabia) ay napakahirap. Libo-libong OFW ang pinauwi o immediate exit ng Government of Saudi Arabia ngayong taon dahil sa illegal recruiting sa pilipinas. Ang iba ay pina detain muna sa embahada (Philippines Embassy) ng dahil ito sa kahirapan sa pilipinas at kawalan ng trabaho kaya nakipagsapalaran sa ibang bansa.
  • Economically, pinataas nito (OFW) ang angkat ng dolyar sa pilipinas dahil sa remittances (2012 remittances: $24B (10% of country’s economic output) tuwing nagpapadala sila sa pamilya kaya ngayong first quarter tumaas ang Gross Domestic Product sa hindi inaasahang porsyento 7.8%. Kung titiganan nating mabuti, tumaas nga ang ekonomiya “IMF said, Philippines is the sleeping tiger of the Asia and Newly Industrialize County at Goldman Sachs said in 2050 (estimate), 14th most powerful country in terms of economic power “Next 11 Economies”. Ngunit sa paglago nito mas klaro ang kahirapan (MARGINALIZATION), kawalan ng trabaho at pagsasamantala. Samantalang ang mga business tycoon at mga kapitalista katulad ni lucio tan,Henry Sy  ang nakaramdam ng economic development.
  • Massacre sa mga  Social service patuloy ang programang PPP public-private partnership ni pinoy kung saan patuloy ang pag commercialized ng mga hospital at electric power corporation. Naging stratehiya ito ng gobyerno upang ibigay sa mga pribado ang kanilang obligasyon  at responsibilidad na pagsilbihan ang mga tao. Katulad ng Agus Pulangi Hydroelectric Corporation sa Mindanao na pagmamay ari ng gobyerno. Ngunit mas tinutulak ni President Aquino ipabili sa mga pribadong sektor (aboitez, alcantara at lopez), because there are laws and policy that we are allowing private sectors to own all public facilities. Halimbawa nito ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA). Epekto nito ang patuloy na rotating brown outs at pagmahal ng bayarin sa kuryente, ito din ang nakitang options ni President Aquino ang magbayad ng mahal o patuloy na rotating brownouts. Dahil nasa pagmamay ari na ng pribadong sektor ginigipit nito ang mga consumer. 
  • Ang sistemang neo -liberal globalization ang naging ugat ng pagdami ng Multi Corporation. 80% of the economic power owned and dominated by bourgeois in the Philippines, they are not full blooded Filipinos but they are mestizo and foreigner. Dahil sa sistemang ito naging bukas sa global market ang pilipinas, ang export at import o free trading. Halimbawa nito ang relasyon ng estados unidos at pilipinas,  nag aangkat ng mga raw materials/domestic products  (crops, rice) ang pilipinas sa U.S kung saan mura at ang U.S nag aangkat sa pilipinas ng mga branded materials kung saan mas mahal  ang tax na binabayad ng pilipinas. Isa lang itong halimbawa ng exploitation ng mga first world country (US) sa mga third world country (Philippines). Hindi lang sa economic views kundi pati sa politika, media at social na aspeto nagiging sunod sunoran at kontralado tayo ng estados unidos. Patuloy ang pagpapadala ng mga sundalong amerikano at pagsuporta ng U.S sa paglaban ng spratly island at Scarborough shoal sa china.
  • Massacre sa Politika, patuloy ang misuse ng pera at ang korupsyon. Ang Priority Development Allocation fund (PDAF) o Pork Barrel (including the presidential pork barrel), Disbursement Acceleration Program (DAP) at Special Purpose Funds (SPFs) ay tatlo lamang sa mga programang nagpro promote ng mga (TRAPOs) traditional politician, monopoly of power at korupsyon. Ang pagputok ng 10 billion scam ni napoles at iilang mga senador at kongresista ay pinakamalaking political scandal sa kasaysayan ng pilipinas matapos ang ZTE, fertilizer at “hello garci sacm” ni Gloria. Ninanakaw ng mga iilang senador at kongresista ang pera ng bayan. Ayon sa data ng Commission og Audit, lumalabas na may 5 senador ang nasangkot sa pork barrel scam. Nangunguna ditto si Sen. Bong Revilla na may P 1.015 Bilyong piso; Juan Ponce Enrile P 641.65 M; Jinggoy Estrada P 585 M; Bong Marcos  P 100 M; Gringo Honasan P 15 milyong piso.
Kung saan ang perang ito ay  galing sa  buwis ng mga magulang natin. Upang gamitin sa campaign materials during eleksyon at pang personal na interest. “Phil Daily Inquirer calls for Abolition of pork barrel, after expose on systemic corruption, how government officials earned from overpriced projects to receive large commissions. At mapahanggang ngayon hindi pa napapatawan ng parusa ang mga senador at kongresista na sangkot sa pangungurakot. Isa lang ito sa massacre ng gobyerno sa mga pilipino upang patuloy ang sistemang hindi makatarungan.
  • Massacre sa kalikasan, patuloy ang illegal logging at Mining Corporation at nagiging resulta sa  “development aggression”. Nakikita ang pagdami ng mining industry sa pilipinas ng dahil sa mining act of 1995. Ang pagbuga ng carbon emission at mga chemicals galing sa corporation ay patuloy  ang aggression sa mga natural resources at apektado ang mga taong naninirahan malapit sa corporation. Halimbawa ang Mining Industries sa bukidnun, surigao at zamboagga apektado ang pamumuhay ng mga Indigenous People, kung saan ang small scall mining ang kanilang pinagkakakitaan. Pati ang kanilang lupang kabahin o ancestral domain ay na apektuhan na din. Kahit nangyari  na ang bagyong sendong at kumitil ito ng libo libong buhay, continue pa rin ang pagputol ng kahoy o illegal logging sa iligan at Cagayan. Walang strict implemented policy ang local government upang tigilan ang ganitong pangyayari. Tatlong taon na ang sendong ngunit may mga iilang pamilya pa rin ang walang matirahan, wala pa rin relocation. 
  • Massacre sa mga State Universities and Colleges at Educational system. Ngayong 2014 may nababadyang budget cut naman sa mga SUC’s, according to DBM P829,732,000 milyon ang kaltas ng Mindanao State University, pangalawa sa  makakaltasan ngayong 2014.
Taon
Personnel Services
MOOE o Maintenance  and other operating expenses
CO o Capital Outlay
Total
2012
P 1,371,920,000
P 66,996,000
P O
P 1,438,916,000
2013
P 1,661,186,000
P 77,813,000
P 868,592,000
P 2,607,591,000
2014 [PROPOSED BUDGET NG MSU SA DBM]
P 1,675,516,000
P 102, 343, 000
P 0
P 1,777,859,000
SOURCE: dbm.gov.ph
*hindi pai ang RLIP

 Basi sa budget allocation prepared by Department Budget Management (DBM) nagbunsod ito upang itaas ng gobyerno ang budget sa mga SUCs tulad ng MSU ngayong 2013. Mula sa P 1, 371,920,000 noong 2012, lumaki sa P 1,661,186,000 ang budget para sa PS. Tumaas naman ng P 10, 817, 000 ang alokasyon sa MOOE. May inilaan na ding P 865 592, 000 para sa CO.

Ang pagtaas ng subsidyo sa kasalukuyang taon ay hindi pa rin sapat para sa pangangailangan ng pamantasan kung saan ito ay humuhingi ng 2013 actual request.
Subalit ang naturang pagtaas ng budget ng SUCs ay pansamantala lamang dahil sa inilabas na panukalang budget ng DBM para sa taong 2014, makikita ang paglaba na naman ng mga nakalaang budget para sa MSU at iba pang 78 na unibersidad.

Para sa 2013, makatarungan lamang na dagdagan ang pondo para sa MOOE at ang pagbibigay ng budget para sa CO. Subalit sa gitna ng pagdaragdag nang budget sa taong 2013, kapos pa rin ito para  tugunan ang pangangailangan ng unibersidad. Higit sa lahat., hindi pa rin ito nararamdaman nang mga estudyante dagil dumdami ng bayaring ipinapasa sa kanila (sa pamamagitan ng IGPs) para matustusan ang pangangailangan ng pamantasan.

Nakikita din masmalaki ang mapupunta sa defense, social welfare and development at dpwh. Mas prioridad  ng government ang pagbili ng mga armas at battleship kaysa paglaanan ng pansin ang edukasyon.

Isa sa nakitang dahilan kung saan patuloy ang pagigipit ng gobyerno sa mga SUCs ay ang Roadmap to Public Higher Education Reform (RPHER) sa ilalim ng repormang ito layon ng gobyerno na irationalize at ipasabalikat sa mga SUCs ang gastusin ng mga ito upang mabawasan ang pag-asa sa pondong ibinibigay ng gobyerno. Tinutulak din ng gobyerno na magsagawa ang mga SUCs ng mga programang mapagkakakitaan o mga income generating project (IGPs) upang matustusan ang pangangailangan ng kanya-kanyang unibersidad. Tinatayang sa 2016, 50% na lamang ng kabuuang hiling ng budget ng mga SUCs ang maibigay ng gobyerno. Dahil dito unti-unting magiging komersyalisado at pribado ang mga SUCs .  Kaya marami ng mga unibersidad nagiging semi private (msu iit, usm, usef) at tumataas ang matrikula.  Ito din ang nagiging rason bakit maraming miscellaneous na binabayatan katulad ng mga workbooks, mga manual, cultural tickets at lab fee (forms of income generating project). Ginigipit din ang mga scholarship at kamkailan lang in-abolish na ang tuition privilege para sa freshmen. Ito din ang rason bakit hindi tumataas ang sahod ng mga instructors dahil maliit lamang ang allocated budget ng national gov’t sa personnel services.
Sa harap ng pagtaas ng matrikula, komersyalisasyon at pribitisasyon, malalabag ang nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas:

“The State shall protect and promote the rights of all citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all”
-the constitution of the Philippines adopted 15 October 1986, amended 1987, EDUCATION, Section 1.
Ang karapatang makapag aral ay hindi na bukas sa lahat ng mga kabataan gustong maabot ang kanilang ambisyon. Kundi naging prebilihiyo na ito sa mga mayroon sa buhay.
Ang lahat ng mukha ng massacre sa pilipinas ay magkaugnay, hindi na iiba ang problema ng mga State University and Colleges sa problema ng mga mangagawa. Iilan lang ito sa mga massacre na hindi pa nabibigyan ng hustisya at patuloy ang pagsasamantala ng mga makapangyaring tao.
Ang AMPATUAN MASSACRE ay nagpapatunay lamang nasa ilalim pa rin tayo ng mapang aping lipunan.

Ang Liga Makabagong Kabataan dala ang adbokasiyang pinaglalaban,  ang pantay-pantay na hustisya (SOCIAL JUSTICE) ay nakikiisa sa paglalaban ng hustisya sa lahat ng mga biktima ng AMPATUAN MASSACRE at sa iba’t ibang MUKHA NG MASSACRE.

Patuloy ang Liga ng Makabagong Kabataan sa pakikipaglaban sa mga na aapi sa lipunan , maninindigan ang lmk sa adbokasiya at karapatan ng bawat isa at kikilos ang liga ng makabangong kabataan  hanggat may katiwalian sa sistema.

KABATAAN! LUMABAN ! MANINDIGAN! KUMILOS!


Reemar Alonsagay
Secretary General
Liga ng Makabagong Kabataan Ranao Impire
Iligan City, Mindanao