Thursday 3 December 2015

PAHAYAG: Kalikasan Naman! - TrYChange


Ang Climate Change ay negatibo at nakakasira ang dulot nito sa mga kabataan. Dahil sa mga patunay na mga nailathala na mga pag-aaral at sa mga nakikita’t nararamdaman nating epekto ng Climate Change ang buhay na patunay panganib na dulot nito. Hindi na kami maaaring magpaantala sa mga sabi-sabing ang climate change ay nakaugat sa mga natural na pangyayari, dahil ang mga nagaganap sa ngayon ay labis at patinding mabilisang pagbabago ng klima.
Ang Climate Change ay hindi lahat tungkol lamang sa pagbabago ng klima; ito ay tungkol sa pagbabago sa mga pattern ng aktibidad ng mga tao. Ito ay ang unang pandaigdigang krisis na nagsasangkot ang lahat ng tao sa bawat sulok ng mundo. Naniniwala kami na ang mga pamahalaan, mga korporasyon at ang kasalukuyang henerasyon ay dapat na papanagutin at bigyan ng responsibilidad sa kawalan ng katarungan sa mga susunod na henerasyon dahil sa pag-abuso sa kalisan.
Ang kalabisang gawa ng mga pambansang polisiya at programa para sa kalikasan kasama ang labis na paglikom ng ginansya ng mga korporasyon kapalit ang kalikasan at sangnilikha, nahahati pa ang mga komunidad at mamamayan na humantong sa mas lalong krisis ng mga paninindigan at hindi na nakita ang sentrong kaaway nila.
Kaya, kami mula sa TRY-CHANGE or TRI-PEOPLE YOUTH FOR CHANGE ay nananawagan na;
• ITIGIL ANG MINA SA MAGUINDANAO AT BUONG CENTRAL MINDANAO!
• LUPAING NINUNO, IPAMANA HUWAG IPAMINA!
• KATARUNGANG PANGKALIKASAN!
• ITIGIL ANG LAHAT NA MGA PROYEKTONG AGRESYON!
• KALIKASAN AT KARAPATANG PANTAO UNA SA LAHAT!
• IBASURA PHILIPPINE MINING ACT!
• PAPANAGUTIN ANG MGA HIGANTENG KORPORASYON AT MGA PULITIKONG NAGKASALA SA KALIKASAN!
Kasabay sa pandaigdigang pagkilos para sa Katarungang Pangklima, kasama ang TRYCHANGE sa ECOWALK: A Walk for Humanity and Environment sa ika-28 ng Nobyembre 2015 mula Nuro, Upi, Maguindanao hanggang Cotabato City.
KALIKASAN NAMAN!
27 Nov 2015
Reference Person
FARHANA A.TEKOKEN
Chairperson TRY-CHANGE
Cp. Num. 0926-345-2559
Eco_walk@yahoo.com

No comments:

Post a Comment