Thursday 3 December 2015

PAHAYAG: Kinabukasan ay Huwag Isugal - AKMK - MagCot


Pahayag ng Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan
Maguindanao at Cotabato City (AKMK-MagCot)
Simula ika-30 ng Nobyembre ay magsisimula na ang United Nations Climate Change Conference sa bansang Pransya upang pag-usapan ang pagkakaroon ng pandaigdigang kasunduan tungkol sa pagbabago ng klima.
Sa nakalipas na mga taon ay naramdaman namin ang paglala ng epekto ng pagbabago ng klima na dulot ng pagkawala ng mga kagubatan at kakahuyan, ang pagkatuyo ng mga ilog at sapa, ang pagkasira ng mga pananim. Ilang taon na din na naranasan naming ang bagsik ng mga bagyo at ang matinding pagbaha na di lamang sumira sa aming mga tahanan kundi pati na rin ng aming mga kabuhayan.
Sa pagpapatuloy ng ganitong kalagayan, nakikinita naming ang isang kinabukasan na kung saan kaming mga kabataang magmamana ng kasulukuyan ay mararanasan pa ang mas matinding kahirapan dulot ng pagkasira ng inang kalikasan.
Kung kaya’t napapanahon na napatindiin din namin ang aming mga pagkilos upang singilin ang ating pamahalaan na syang sumusulong ng kaunlarang umuubos sa likas na yaman at hindi inaalintana ang epekto nito sa kabuhayan ng mga maralitang mamamayan at lalung-lalo na sa kinabukasan ng mga kabataan.
Kung kaya’t kaming mga kabataang nangunguna sa pagkilos upang ipanawagan na ang aming kinabukasan ay dapat na isaalang-alang sa lahat ng mga pagdedesisyon ng ating pamahalaan ay maglulunsad ng isang kilos protesta, isang palalakad alay sa kalikasan.
Ngayong ika-28 ng Nobyembre ay humigit-kumulang 300 na kabataang Bangsamoro, Lumad at Migrante ang mangunguna sa ECOWALK: A WALK FOR HUMANITY & ENVIRONMENT mula sa Nuro, Upi, Maguindanao hanggang sa Plaza ng Cotabato City.
Dadalhin namin ang mga sumusunod na panawagan:
1. Bigyang-ngipin ang Climate Change Act na naipasa noong 2009 at itigil ang mga huwad na solusyon sa pagbabago ng klima tulad ng nuclear energy, mega dams, “clean coal” energy at mga agro-fuels tulad ng palm oil.
2. Ibasura ang Mining Act, itigil ang malawakang pagtotroso at ang walang pakundangang pangingisda na nakakasira sa natural na daloy ng buhay lalung-lalo na ng mga maralitang nasa kanayunan. Sa halip, patindiin ang pagprotekta sa mga karapatan ng mga mamamayan sa kanilang pamumuhay.
3. Kilalanin, respetuhin at protektahan ang mga karapatan ng mga katutubo na syang una-unang naapektuhan ng mga proyektong pangkaunlaran. Ang kanilang mga ancestral domains na kung saan napapaloob ang mga natitira pang mga kagubatan at naideklarang protected areas ay kailangang pangalagaan.
Sa muli, ang aming kinabukasan ay hindi namin isusugal. Ito’y aming ipinaglalaban kung kaya’t kami ay magpapatuloy sa pag
ECOWALK: A Walk for Humanity and Environment
Nuro, Upi, Maguindanao to Cotabato CityDeparture at 4AM, 28 November 2015

Organizers:
Tri-people Youth for Change
Teduray, Lambangian Youth and Student Association
Society of OFW Children
i support ‪#‎EcoWalk‬
Reference Persons:
JAYSON R. ULUBALANG
09124767943

2 comments: