Ang Liga ng Makabagong Kabataan (LMK) ay isang organisasyong politikal na bukas sa lahat ng kabataang Moro, Lumad at Mayoryang Pilipino na handang tanggapin at yakapin ang mga adhikain at mga prinsipyo nito. Ang LMK ay naniniwala sa social equity sa larangan ng politika at ekonomiya.
Wednesday, 4 June 2014
Kalikasan at Sangkatauhan: Sentro ng Pagbabago
5 Hulyo 2014
Sa kapanahunan ng World Environment Day ngayong araw (5 July 2014) ay ipinapahayag ng Liga ng Makabagong Kabataan ang pagbalikwas gaya rin noon sa balangkas ng Pamahalaang Aquino at ng pandaigdigang pang-ekonomiyang sistemang umiiral na mapang-wasak at mapang-hamak sa Kalikasan at Sangkatauhan.
Sa likod ng mga malawakang trahedyang kalikasan at kalamidad ay mas pinaiigting pa ng administrasyong Aquino ang panghihikayat ng mga korporasyong mamuhunan sa pagmimina at malawakang konbersyon sa gamit ng lupa at buong agrikultura.
Ipinapaabot rin ng LMK ang panawagang itigil na ang pagsasapribado sa likas na yaman at ng mundo.
Gawing sentro sa programa at balangkas ng lahat ng pamahalaan at mga kilusan ang kalikasan at sangkatauhan.
Bigyang katarungan ang mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng agaran at responsableng pagtugon sa kanilang mga karapatan at kapakanan.
Mas pagtuunang pansin ang sustenable at organikong agrikultura na tutugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa halip na ang interes ng mga Korporasyon.
Integrasyon at Pag-aaral sa buhay at kultura ng mga Katutubo at ng kanilang Sistema ng pamumuhay na mas pinapahalagahan ang kalikasan.
Sa mga kapwa namin kabataan, integrasyon sa masa sa kanayunan, kalunsuran at pagawaan ay malaking ambag sa naka-ugat nating angat na kamulatan.
Panghuli, tiyak na po na hindi kayang solusyonan ng Kapitalismo ang Krisis ng Kalikasan at Ekonomiya dahil sa sagad na katangian nitong labis-labis at ganid na akumulasyon ng kapital at tubo. Wala pong ibang tugon kundi Sosyalismo, EkoSosyalismo!
Ngayon ang Pagpapanday hanggang sa tayo ay magtagumpay!
Liga Ng Makabagong Kabataan
Mindanao, Pilipinas
lmkabataan@yahoo.com.ph
Teduray and Lambangian Youth Statement on the Bangsamoro
Gai. There will
always be a time for everything.
And now is the
time for us, the Teduray and Lambangian youth to take an equally-decisive stand
as our inherent right as indigenous peoples
in building our socio-cultural, economic and political future in our fusaka
inged or ancestral domain.
| Photo Courtesy: http://tripeoplesjournal.blogspot.com |
Today, we affirm our tribal title holders’ declaration
in their open letter to His Excellency Benigno Simeon Aquino III on April 7,
2014 that with the guidance of our ancestors, they decided to do what is just
and fair to us their children and our children in the future-“to carefully
prepare the small space for our tribes to thrive as distinct peoples and
contribute to the new tomorrow that waits for us in the Bangsamoro”.
We echo and strengthen their voices in our assertion
for our ancestral domain where our young lives are connected to since we were
born, cradled and lived the customs and traditions of our ancestors.
We reiterate their call to genuinely and properly
implement the Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) which forms the legal basis
for our assertion of our rights in any proposition including in the Bangsamoro Government.
Hence, we demand for the government to prioritize
the immediate delineation of our ancestral domain where we can fully and freely
practice our traditional justice and governance system based on our customs and
traditions as is our right to self-determination as distinct peoples.
Furthermore, we emphasize our important and
necessary role in all decision-making processes with regard to our
socio-cultural, economic and political future.
Finally, we pay tribute to our ancestors, our elders
and all those who incessantly struggle to pave the best future for us.
Today, these assertions will not be taken for granted as we make these as our generation’s responsibility to our people and the generations that follow us.
Today, these assertions will not be taken for granted as we make these as our generation’s responsibility to our people and the generations that follow us.
Gai. There will come a time when we will be a
“minority of the minority” no more: a time when we will stand together equally with our
Moro and Migrant brothers and sisters in building a just and peaceful Mindanao.
Signed on this 4th day of May 2014 during
the 7th Teduray, Lambangian Youth and Student Association Congress
in Sitio Benuan, Brgy. Kuya, South Upi, Maguindanao.
Re-posted from: Tri-peoples Journal Blogspot
Wednesday, 7 May 2014
Help Tantaon IDPs!
Re-posted from LAWIG ( http://byahenglawig.wix.com/lawig)
On
December 10, 2013, after some of the people were verbally threatened to be
evicted from the land where their houses are built, more than
80 fishefolk-families in Barangay Tantaon, Sultan Naga Dimaporo in Lanaodel
Norte evacuated their houses and transferred to the nearby island which they
now called Isla Noah or New Ozamis.
Help Tantaon IDPs!
An appeal to help internally displaced persons (IPDs)
and families in Brgy. Tantaon to regain their normal life
On
December 10, 2013, after some of the people were verbally threatened to be
evicted from the land where their houses are built, more than
80 fishefolk-families in Barangay Tantaon, Sultan Naga Dimaporo in Lanaodel
Norte evacuated their houses and transferred to the nearby island which they
now called Isla Noah or New Ozamis.
The
displacement of the families was caused by a political dispute between the two
siblings who vied for the barangay captain position during the 2013 local
election. After losing the electoral race, one of the siblings vowed to evict
the people, whom did not vote for him during the election, from his land.
It
has been more than four (4) months already since they transferred to Isla Noah,
the displaced families are still coping with their new situation, building new
houses, and recovering their lost opportunities due to the conflict. To fully
bring them back to their normal life, they need assistance from line
agencies, individuals, organizations and government officials to
assist them in their recovery stage. Their urgent needs include electric/power
supply, potable water, toilet materials, and school supplies for the elementary
students.
In
this connection, the LAWIG-an organization of student and
teachers in Mindanao State University, Marawi City- is appealing to all
concerned individuals, organizations, line agencies and government actors to act
on the situation of the internally displace families in Brgy. Tantaon.
The outside support in their predicament situation is crucial in speeding up
the recovery of the affected families from their dire condition.
Lawig
is organizing a project called “Project Tantaon”. The first wave of community
intervention will be this coming May 17, 2014. The project aims to raise
material and financial donations to support the following needs of the affected
families of fisherfolks:
1.)
School supplies for 100 elementary students (textbooks, notebooks, pencils,
papers, and toys);
2.)
Latrines (at least 5 communal latrines) ;
3.)
Water hose (1000 meters); and
4.)
Psychosocial support
For
your financial and material donation, please refer to the following
information:
Bank
Account:BPI 9359-1900-82 Joseph MariñoAjero
Drop-
in Centers:
MSU-Marawi
City
Room
4, Islah Canteen, 3rd Street,
Mindanao
State University, Marawi City
Iligan
City
LIHUK
Compound, Purok 11, Balite Drive,
Santiago,
Iligan City
Contact
#: 221-7393; +639998750270
KAPAYAPAAN – Diskurso Nino? Para Kanino?
May 6, 2014
Alam namin na mahalaga ang Kapayapaan sa Kapuluan ng Mindanao. At higit sa lahat, MAHALAGA para sa lahat ang bawat KARAPATAN bilang mga pamayanan, komunidad atmamamayan.
Nakababahala amang na ang debate at diskurso sa usaping kapayapaan sa Mindanao ay nakasentro lamang sa mga partidong nag-uusap.
Ang bola ay nasa punong ehekutibo na ng Pilipinas at sa dalawang Batasang bahay ngPilipinas.
Subalit babalik pa rin ito sa mga komunidad upang mas pagtibayin matapos pumasa ang Bangsamoro Basic Law at itatag ang Pamahalaang Bangsamoro.
Huwag sanang ismolin.
Kahilingan natin sa mga mambabatas at kay Presidente Aquino na huwag niyang ismolin at balewalain ang karaingan ng mga Lumad gaya ng pag-ismol ng mga panels nung nasa negosasyon pa ang bola; at huwag igaya sa pagmaliit ng pamahalaan sa karapatanng mga manggagawa at mga maliliit. Huwag sana! Huwag pong ubusin ang mga nalalabing opsyong pwede pang makahinga na maluwag-luwag ang mga Lumad sa pagsusulong ng kanilang mga batayang Karapatan na nakabatay sa mga deklarasyong pandaigdig, pambansa at sangnilikha.
Kapayapaan na gumagalang at kumikilala sa bawat karapatan ng bawat pamayanan at komunidad ang balangkas na pilit isinisigaw ng maraming kilusan upang mas maging mapanaklaw at pang-matagalan ito, subalit tila mas nanaig ang eksklusibistang balangkas at pananaw ngayon.
Handang handa na ang mga mapanuklaw na oligarkiyang lokal at dayuhan upang lunukin ang kayamanang meron ang mga Bangsa sa Mindanao at mas madali nilang magagawa ito kung may agrabyadong seksyon ng Mindanao dahil may espasyo ang gatong sa pag-away-away.
Civil Society?
Mahalagang tampok naman ng mga usapang pangkapayapaan ang paglahok ng mga kilusang malawak at mga pormasyon dahil kahit papaano ay may puwang para sa diskurso ng mga maliliit at sibilyang mas apektado sa mga kaguluhan. Mahalaga ang papel ng mga malalawak na kilusang pangkapayapaan dahil tumatayo itong bantay, kritiko at tagasulong sa interes ng mga hindi nakaupo sa bangko ng nag-uusap. Masakit lang isiping kung ang diskurso ng mga kilusan ay hindi naaayon sa balangkas ng mga nag-uusap ay tatawagin agad na mga "sagabal sa kapayapaan", "spoilers", "evil whisperers" at kung anu-ano pang katawagan upang lalabas lang na hadlang ang mga opinyon at diskursong ito sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao.
Subalit ang fund-driven na mga kilusang o mas sikat sa tawag na Civil Society ay nagmumukha na ngang mga prinsipal na aktor sa usapan at umaastang lehitimong representante ng mga komunidad na kahit sa ating pagsasaliksik at pakikisama sa mga komunidad Moro, Lumad o Pilipino man sa Mindanao ay hindi lubos na naintindihan kung ano ang pinag-uusapan, dahil hindi nga sila tunay na ginawang kalahok sa pag-uusap. Ang mga intelektwal at matatalinong aktibista ay tila nakalimot na sa kasaysayan at diwa ng CSOs, ito ay ang dalhin ang posisyon ngmga naisantabing hanay ng lipunan sa sentro ng pag-uusap/diskurso.
Leksyon ng Kasaysayan.
Ang pagmamay-ari ng kawastuhan ay inako na yata lahat ng mga nag-uusap para sa kapayapaan ng Mindanao. Bakit rin hindi pwedeng pakinggan at isama sa diskurso ang diskurso nila?
Tulad na lamang halimbawa ng diskurso ng mga Lumad na sa matagal na panahon sa loob mismo ng Autonomous Region of Muslim Mindanao ay hindi man lang nakatikim kahit katas ng Indigenous Peoples Rights Act? Na ang kahilingan lang naman sana ay gawing mas maliwanag sa usaping Bangsamoro ang kanilang pang-ekonomiya, pang-kultura, pampolitika at panghustisyang mga karapatan?
Kung natuto man ang Moro Islamic LiberationFront sa karanasan ng Moro National Liberation Front (1996 FPA), ay mas lalong natuto ang mamamayang Lumad sa karanasang iyon. Kung ang tawag sa kanila dati ay mga JOYRIDER sa bunga ng mga pag-uusap ay tila yata hindi ito totoo dahil ilang buhay rin ba ng Lumad ang naibuwis dahil sila ay nasa frontline din ng mga kilusang Moro? Ilang buhay rin ba ng mga Lumad na sibilyan ang nawasak hatid ng digmaan?
Mayroon pong pamayanan na ayaw sa gulo at gyera noon pa man bago dumating ang Islam at Kristiyanismo sa kapuluang tawag natin ngayon ay Mindanao. Bakit hindi ito ang gawing batayan ng kasaysayang binabatayan ng pakikibakang Moro?
Piyestang Todo-Todo.
Masaya ang mga korporasyon pati na ang pambansang pamunuan ng Pilipinas dahil andyan pa ang mga teritoryo ng mga Lumad na hanggang sa ngayon ay mayayaman pa rin. Sa ilalim ng pang-ekonomiyang balangkas ng pamahalaang Aquino ay sagarin na ang yamang likas at buksang buo sa mga Korporasyon ang mga teritoryong ito upang makalikom ng malakihang kita ang bansa – Public-Private Partnership. Kulang pa ba ang mga dinanas na kalamidad upang tigilan at baguhin na ang balangkas na ito? Kaya ayos lang din sa pamahalaang Aquino kung walang katiyakan ang kinabukasan at karapatan ng mga Lumad at kahit na batayang masang Moro sa usaping Bangsamoro dahil hindi naman talaga ito ang interes nila, mas interesado ito sa yamang andyan sa malawak na kalupaang ito.
KAPAYAPAAN ng Lahat.
Nais nating lahat ang KAPAYAPAAN at ito na yata ang pinaka-makabuluhang biyaya kung maisakatuparan. Hiling lang natin na itong KAPAYAPAAN ay hindi lang ng iilan kundi pangkalahatan at pangmatagalan.
Dahil kung ang mga puntong ito ay hindi mapagtuunan ngayon palang, ang bagong kasunduang ito ay ang mismong SPOILER sa KAPAYAPAANG hangad nating lahat.
Sa lahat ng mga komunidad, pamayanan at mamamayan mas may nakakabusog na sarap po ang pagkaing ating pinagtulong-tulungang inihanda at nakakatiyak tayong ligtas ito at sapat para sa lahat.
Pagsaludo at Pagkilala sa lahat ng mga tunay na nagsusulong ng tunay at makabuluhang KAPAYAPAAN!
Liga ng Makabagong Kabataan
Mindanao,Philippines
6May 2014
Email: lmkabataan@yahoo.com.ph
FB:Liga Ng Makabagong Kabataan

Friday, 2 May 2014
LMK joins Labor Day Mob
Together with the drivers, workers, urban poor, grassroots communities and different civil society organizations, the Liga ng Makabagong Kabataan joined the Labor Day mobilization in Iligan City.
In his message, Reemar Alonsagay (LMK-Ranao Secretary General) underlined important labor issues the youth are facing such as limited job opportunities, oppressive contractualization scheme, non-implementation of minimum wage and benefits. He urged the government, especially the current administration, to provide jobs to millions of unemployed youth.
After the mobilization, LMK organized a Jam Na! MUSIKATARUNGAN (a mini-concert) in front of Iligan Post Office. Through music, they expressed their solidarity and support to the struggle of the workers around the world. While the band was playing songs, the youth together with the urban poor painted a huge graffiti depicting workers' struggle.
Wednesday, 30 April 2014
PAHAYAG NG LMK SA MAYO UNO
![]() | ||||||||||
| Reemar Alonsagay, kinatawan ng LMK-Ranao, nagbigay ng pahayag sa medya. |
Sa kabila ng pahayag ng gobyerno na
patuloy na lumalago ang ekonomiya ng bansa, malaking bahagi pa rin ng
mamamayang Pilipino ang patuloy na dumadanas ng kahirapan, gutom, at kawalan ng
trabaho. Bagkus, patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado
kaakibat ang dagdagd pasanin na 12% EVAT sa bawat produktong binibili na ng mga
mamamayan.
Dagdag pa, ang ipinagmamalaki ng
kasalukuyang administrasyon na paglago ng ekonomiya ay hindi ramdam ng mga
uring manggawagawa. Sa katunayan, ayon sa datus ng Social Weather Station (SWS)
na inilabas noong Enero 2014, base sa nakaraang taon (2013), ang antas ng
kawalan ng trabaho ay tumaas ng anim na porsyento. Mula sa 21. 5 % sa 3rd quarter ng 2013, ito ay
umakyat ng anim (6) na porsyento noong pinakhuling 3 buwan ng nasabing taon na umabot
hanggang 27.5 porsyento o katumbas ng 12.1 milyong indibidwal na walang trabaho.
Ang mabilis na paglobo ng mamamayang
walang trabaho ay nakaugat sa mga batas at sistemang dagdag pasakit sa mga
manggagawa. Ilan dito ay ang sistemang kontraktwalisasyon at ang batas sa
rasyunalisasyon ng sahod na mas nagpaigting sa hindi pagkakapantay-pantay ng sweldong
tinatanggap sa pagitan ng mga manggagawa sa abante o maunlad at mahirap na
rehiyon. Higit pa dito ay ang pagkaila ng gobyerno sa kahilingang dagdag na
sahod.
Ang pag-unlad ng ekonomiya at paglobo ng
kahirapan at kawalan ng trabaho ay isang malaking kontradiksyon sa ilalim ng
kasalukuyang administrasyon. Kung kaya’t sa lahat ng ito, higit na naapektuhan ang
mga libu-libong kabataang nagtatapos ng kolehiyo na humaharap sa walang
katiyakang pangako ng ipinagmamalaking kaunlaran.
Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng
Paggawa, ang Liga ng Makabagong Kabataan(LMK) ay nakikiisa sa panawagang:
IBASURA ANG SISTEMANG KONTRAKWALISASYON AT ANG SISTEMANG REGIONALIZATION! PATI
ANG SISTEMANG PRIBITISASYON NG LAHAT NG PAPUBLIKONG SERBISYO! DAGDAGAN ANG
SAHOD NG MANGAGAWA AT DAGDAGAN ANG TRABAHO SA PILIPINAS!
Bilang pakikiisa, ang LKM ay lalahok sa
protesta at patuloy na isusulong ang mga adhikain at adbokasiya upang
ipagtangol ang mga naapi, mga kabataan at uring manggagawa sa bansa at buong
mundo.
KABATAAN! LUMABAN ! MANINDIGAN! KUMILOS!
Subscribe to:
Posts (Atom)